Wikang Filipino: Susi sa Pag-unlad at Pagpapatatag ng bansa

Wikang Filipino: Susi sa Pag-unlad at Pagpapatatag ng bansa

Jeru Antonio


Ano nga ba ang kahalagahan ng pag-papayabong ng ating wikang filipino? makakatulong ba ito sa pag unlad ng ekonomiya ng ating bansa?

Yan ang taong ng karamihan ng tao sa mga nababasa kung post sa social media. Napagtanto ko sa aking sarili na may saysay ang kanilang taong. Kaya bilang isang mag-aaral nag hanap ako ng sampung punto na makakatulong sa atin upang maunawan, at kung gaano ba ito kahalaga.

  1. Nagagamit ito sa pang araw-araw
Ito ay importante at mahalaga sa isang bansa, sapagkat ito ay nagagamit ng bawat mamamayan sa pang araw-araw nilang pakikipag-usap o pakikipag talastasan.

 

      2. Epekto ng modernisasyon

Sabi nga ng mga sikat na linggwistiko na ang wika ay dinamiko, masasabi nating ang wika ay patuloy pang nagbabago kasabay ng panahon, at pag-gamit o pangangailangan ng tao. Dahil narin sa patuloy na pagyabong ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya, nakatulong din ang mga kabataan sa mga naiimbento nilang mga salita.


      3. Mapagyaman ang kultura

Makakatulong sa pag-unlad ng ating bansa ang pagpapayaman sa ating kultura, dahil tatangkilikin, at lubos pang pagyamanin, hindi lang sa ating wika gayon din sa iba pang nakasanayan.


      4. Nagagamit sa usaping pang ekonomiya

Ang ekonomiya ng bansa ay hindi lalaki o uunlad kung ang mga mamayan ay hindi nagkakaisa o hindi mag kaintindihan. Dahil ang wika sa usaping patungkol sa ekonomiya ay isang metodolohiya sa paglikha ng koneksyon, ugnayan, o transakyon.

 

      5. Paghubog sa kaalaman ng mga pilipino

Importante ang wika sa paghubog ng kaalaman ng mga pilipino, dahil kasabay pagyaman ng ating wika ganon din ang ating kamalayan. Ito rin and dahilan upang mailahad natin ang ating mga saloobin, hinaing, ambisyon, ideya, at mga paniniwala.


     6.  Nakatutulong ito sa ating turismo

Nakakatulong ang wikang Filipino dahil narin sa mga dayuhang naaakit sa ating wika, marahil narin sa ating accent na napaka daling maintindihan ng mga banyaga kaya sila bumibisita dito. Nakakatulong din ito sa pag lago ng ating turismo. 


     7. Malaki ang ambag sa diplomasya

Kahit sa ibang bansa may maaring makahanap ng kaibigan o kaalyansa pag sa usaping internasyunal na relasyon. 

Halimbawa nalang ang tensyon sa pagitan ng Tsina at Pilipinas hinggil sa West Philippine Sea o teritoryo, ngunit hindi agad ito nauuwi sa giyera, bagkus ang diplomasya o pag uusap pa ang mas umiigting  sa pagitan ng dalawang partido. 

Kaya masasabi ko na malaki ang impluyensya ng wika pag dating sa internasyunal na relasyon. 


      8. Mayaman ang ating wika

Nakakatulong ito sa ating bansa dahil may 184 na wika ang nagagamit, o patuloy pang nabubuhay. Dahil dito hindi tayo nagkakaroon ng tinatawag na 'Language Barrier', kasi karamihan sa atin ay may dalawa o higit pang wika ang ginagamit o sinasambit. 


      9. Dahil ang ating bansa ay isang 'multilingual         country' 

 Dahil dito wala tayong problema sa language barrier, at nakatutulong din ito sa ating bansa pag dating sa usaping pang negosyo, dahil mabali tayong makakausap ng mga malalaking kumpanya sa iba't ibang bansa mapa ingles mab o tagalog. 


     10.  Nakakatulong upang magkaisa ang bansa

Nagkakaisa ang mga pilipino dahil sa ating wika dahil dito, hindi tayo natatakot magbahagi ng ideya o saloobin sa ibang tao kasi naiintindihan ka nila. 


Ang wika sa madaling salita ay nakakatulong talaga sa pag-unlad hindi lang sa ekonomiya pati narin sa buong bansa. Ang wika din ang nagsisilbing tulay sa ating pansariling kaunlaran, kaya bilang isang estudyante tayo pa ay lalong sikapin na pagyamanin at lubos pang liangin ang wikang Filipino.

 


Comments